Alam ko mahirap. Alam ko masakit pero kahit kailan, kung talagang mahal mo talaga siya bakit kailangang gumive up diba? bakit kailangan pakawalan mo ang isang taong mahal na mahal mo? tanga ka pag pinakawalan mo pa. Hindi naman siguro karumal dumal mga ginagawa o nagawa niya diba? So just go on! Pero pag talagang hindi na kaya LET GO. Mahal mo siya pero dapat lang na mahalin mo rin ang sarili mo. Wag mong pabayaan ang sarili mo. Hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi mo kaya o hindi mo alam kung panu mahalin ang sarili mo. Dahil ang lahat ng bagay ay nagsisimula sayo, sa sarili mo.
Kung kayo, kayo. Malay mo diba.. Hindi lang ngayon yung tamang time. Mahalin mo nalang siya kahit magkalayo kayo. Pag nakapagmove on na siya.. hmm.... Manahimik ka nalang sa side kesa makuha mo nga siya pero hindi naman siya masaya sayo.
Kung mahal mo talaga siya, wag mong hayaang makulong siya sa pagmamahal o sa relasyong alam mong kahit kailan hindi siya magiging masaya. Ibigay mo kung anu yung makakapagpasaya sakanya. Pero kasi may mga taong hindi nasasabi yung nararamdaman nila so be careful baka kasi iwan mo siya, sa pagaakalang hindi siya masaya sayo pero ang totoo IKAW LANG KUMPLETO NA ARAW NIYA.
Dati hindi ako naniniwala sa mga salitang SUS! IKAW LANG SAPAT NA EH. Kasi para sakin binobola lang ako. pero nung nakilala ko siya and lumalim na pagtingin ko sakanya? IT IS LIKE HELL pag hindi ko siya nakakasama, pag hindi ko siya nakikita, nakakatext. Siguro sa paningin mo ang O.A. na pero yun talaga eh. Hindi ko alam kung bakit ganun. Kahit most of the time umiiyak ako dahil sakanya. Kahit most of the time nalulungkot ako dahil sa mga nararamdaman ko towards him. Siguro ganto talaga pag love noh? Hindi mo alam pero andyan na. Hindi ka sigurado pero halatang halata naman. Nasasaktan ka na pero sige paren.

No comments:
Post a Comment